Sabado, Hunyo 18, 2011

ADIK SA ONLINE GAMES

Dala ng mga bagong laro sa internet maraming mga kabataan ang naadik sa mga nagsusulputang laro ngayon isa na rito ang sf o Special Force kaya naman kahit na wala ng pambayad gumagawa na lang ng paraan para maka laro.  ung mga taong lakas trip maglalaro yon na man pala walang mga pera pambayad sa halip ay tatakas lang pala hindi nila alam na nanggago na sila ng negosyo ng ibang tao.Kala mo mapera naka porma un naman pala butas ang bulsa . Sakit sa ulo ang mga taong ganito , sarap sapakin kaso pagginawa mo naman mas malaking problema pa ata mangyayari kaya sa halip babaliwalain na lang... Sana sa mga nakakabasa maging aral man lang na wag tayo manggago ng kapwa natin , kung ayaw man natin na TAYO YONG GAGUHIN...


Buhay Mahirap

        Sa hirap ng buhay noon lalo na sa panahon ngayon hindi mo na talaga alam kung kailan ka makakaahon sa  buhay o mamawala ka na lang sa mundo na hindi mo pa malalasap ang kaginhawahan.

         Sa araw-araw na dumadaan hindi mo talaga maalis sa isipan mo kung makaka-alis ka pa sa buhay na kinakaharap mo. Kung kinabukasan ba may makakain ka pa?  Kaya marami sa atin sa hirap ng buhay hindi na nila makayanan, kinikitil na lang ang sarili para matakasan ang hirap ng buhay. Alam naman natin na hindi solusyon bagamat ito'y napakalaking kasalanan pa. Ang iba naman kumakapit na lang sa patalim para makaraos man lang sa kahirapan. Ang gulo! , ang hirap ng BUHAY MAHIRAP